Start where you are

Start where you are

“Realizing our wealth would end our bewilderment and confusion.
But the only way to do that is to let things fall apart.”
~ Pema Chödrön

Dito muna sa maingay.
Dito muna sa marumi.

Dito muna sa sobra.
Dito muna sa sablay.
Dito muna sa di mapakali.
Dito muna sa mali-mali.

Dito muna sa kumakapit.
Dito muna sa kumakalas.

Dito muna sa naiinip.
Dito muna sa naninibago.
Dito muna sa nag-aaksaya.
Dito muna sa nagsisisi.

Dito muna sa nagmamarunong.
Dito muna sa nagdadalawang-isip.
Dito muna sa nagpapanggap.
Dito muna sa nananadya.

Dito muna sa sayang.
Dito muna sa bawal.

Dito muna sa nagdadramá.
Dito muna sa nagdaramdam.
Dito muna sa nawawala.
Dito muna sa nagwawala.

Dito muna sa iniiwasan.
Dito muna sa pinagpipilitan.
Dito muna sa kinatatakutan.
Dito muna sa ikinahihiya.

Dito muna sa gitna ng gulo.
Dito muna sa dulo ng mundo.

Dito muna, puso ko.
Dito mismo.

4 comments

  1. Charisse says:

    Gustong-gusto ko ito.:)

  2. […] have coalesced from previous improv jams and performances. Finally, I’ll be performing a piece I wrote five years ago, using my vocal looper to work with both sung and spoken delivery. Pauline and Buboy will be […]

  3. […] was a peculiar and beautiful feeling to see something so personal and internalised take on a life of its own. Entrusting my self to their generosity and […]

Leave a comment